|
NASTYS + JM |
It started with a plan of when and how we will celebrate the Christmas season together..the group decided to meet up and talk about the so called CHRISTMAS PARTY..we had a discussion over dinner (at tokyo tokyo on December IDK..aha) and there we decided to have the party at Jam's house located in Mabalacat on the 12th of December,the food and all..oh well potluck! (kuno). (it was not really easy deciding about the date, given the fact that some of us are not sure if it's their off or whatsoever..but as for me I am totally free..aha
December 10,some text messages are being received..asking if we will push through with the Christmas party, Jam even asked if we want to swim because she'll get passes for us..
December 11, a day before the so - called party..
SILENCE!!!! in short.walang nagpaparamdam...as in in short may mga nagpaparamdam na hindi makakarating at hindi matutuloy ang Christmas party!! eto na..kumukulo na ang aking dugo..hindi na nga ako pinayagan sa lakad ko para sa December 18 eh mukhang hindi pa ata matutuloy ang lakad namin!
JUSKO PATAWARIN!! NALINTIKAN NA!!
ang mga eksena sa fb: (sa groups ng JM)
nanu na??? tuloy o hindi tuloy?? sino ba dw hindi pwd???
Ayan na ngkakainitan na ng ulo...
eksena sa text:
Rye: siguro hindi na tayo tuloy noh?wala naman kasi nagrereply..saka nalang kapag pwede na lahat,balitaan niyo nalang ako..ingat
sabay reply ni mean at aivy:
Aivy: Oo nga wala man nagrereply..
Mean: Oo, next time nalang..
at eto ang eksena ni jam:
Jam: sabihin nio kung pwede para maresched nalang NEXT YEAR! (OK..may galit na)
at ang mga tahimik? ehem..
JENNIFER BINUYA na napagalaman na toxic pala sa ospital nung mga panahon na iyon..at ang bomb for all seasons:
MELYN ANN ONG...pak na pak!!!
Conversation of rye and mels sa fb:
rye: mels hindi ka sure bukas?
mels: hindi eh..
rye: bakit?
mels: madami school works..
rye: sunugin mo..
mels: parang sinunog ko narin yung pangarap ko
Sa isip ko: AYAN NA! e kung ako nalang kaya magsunog nung schoolworks niya tutal hindi ko naman pangarap?! (ok..inhale..exhale...)
(ok confirmed, may isa ng hindi sasama..ang init ng ulo ko nasa may ilong ko na! aha )
OK..silence ulit...ng biglang...
( nag -gm ang salarin na si JEN)
"tuloy tayo bukas,yung food ano dadalhin?sige ako na sa rice, softdrinks at ibang junk foods"
"at yung gift pala,dalhin nalang..dun nalang magbunutan"
aba ang lola mo,kung makapagtext eh parang walang kaguluhang naganap!aha...
OK...matutuloy ito..at eto na ang crucial..ano ang dadalhin kong food? (sa isip ko dadalhin ko chicharon at itlog na maalat!pak!
HENYO talaga ako!bukod sa madali eh hindi ko na lulutuin!magtetext na ako kay jen...(evil laugh)..biglang...
may text!
" si jam daw chicharon at itlog na maalat dadalhin"
ANAK NG!!ano ba naman ito...naunahan ako!!!
i
n short ang sabi ko nalang...
"sige iisip nalang ako ng dadalhin"
mga text ng malaman na matutuloy na:
Mean: may mabibili paba sa halagang P150?!
Rye: meron yan..bok text moko bukas ha?bili tayo..
(kumusta naman ang element of surprise!!aha)
December 12, 2010
All right..tuloy na tuloy na ito...
ang text message ni mean:
"bok gising na,walang bomba!"
naku..ako pa?darating ako noh!!!sa ngalan ng gala!!! :)
ang problema lang..
....wala pa akong dadalhin na food!!walang maisip..
MGA CHOICES:
- pumunta sa palengke at humanap ng mailuluto..longganisa,tocino,hamonado.lahat na ng may salitre!
- pumunta sa pinaka malapit na tindahan at bumili ng canned goods! (parang relief lang!jahe)
- pakinggan ang suggestion ni mama na bumili ng siomai (pwede..pero ang budget!aha)
- kumuha sa mga nakabalot na tilapia na uulamin sa bahay ng hapon at palihim na ilagay sa bag!(pak!henyo ka ria!!!ikaw na ang bida!!bongga!!oooppsss...akmang kukuha na ako ng pambalot sa tilapia ng biglang: AKO NGA PALA AY MAY TAMPO DITO..KUNG KUKUNIN KO ANG TILAPIA AY TILA NILUNOK KO NA ANG PRIDE KO!no way!!!! in short..wala akong dinala!!aha!)
SA SM...
Rye: bok asan na kayo?SM nako..
Mean: sa dept..sa accessories..
(ako ahy naglakad papuntang dept,liko dito,liko doon, asan na ang mga hinayupak na iyon?!pak!! JEN HULI KA!!)
Jen: o buti nakita mo ko?
Rye: huh?di mo ba kasama sina Mean?
Jen: hindi..
Akalain mo nga naman,mukhang sa iisang lugar lang yata kami bibili ng regalo at sa halagang P150,may mabili kaya kami?!
OK..HENYO TALAGA AKO..ang bilis kong makahanap ng regalo!naunahan ko pa si Jen..ng biglang makita ko si Mean na may hawak ng regalo..aba..ANG SUKAT AT HUGIS AY TILA KAPAREHO NG AKIN!WAHAHAHA
MABUNOT KO SANA SIYA!
OK NA...ready na..nakabili na ng regalo..next stop humanap ng pwedeng dalhin na pagkain...
AT sa pagkakataong ito..SM SUPERMARKET! isa kang hulog ng langit!! ahaha... instant
barbecue at instant
lechon manok! WAG NA MASELAN! PAK NA PAK NA! :)
ISA NALANG ANG HINIHINTAY..aalis na...
AIVY!!asan kanaba!!
"malapit na daw maluto yung kaldereta"
Naloka na..hihintayin pang maluto ang kaldereta...
OK,,maghintay...
EKSENA SA MCDO:
...kwentuhan,tawanan,picturan..ng biglang..
"hi, I'm Froi (sabay abot ng kamay para makipagshake hands), from frontrow pampanga, nag heheadhunt kasi kami for potential members,our company is an advertising company..our members endorse our products,you'll get a chance to have ur own billboard......"
(ano raw?! advertising?! endorse?! billboard?! *may kislap sa aking mata! this is it...magkakabillboard na ko!whahaha)
(
OK REALITY CHECK, hindi ganoon kadali ang lahat...mas gugustuhin ko parin mag christmas party at sumakay ng bus na pang Baguio kaysa pumunta sa meeting at umupo habang ang mga kasama ko ay nagpapakasasa sa barbecue at manok!ahaha)
Dumating na si aivy!YES!! aalis na!!!
OK WALA PA SIYANG REGALO!!! anong oras na alas onse nasa mall na kami at kmusta naman, ala una na !!!
TIIS,,,HINTAY..INHALE,EXHALE..habang pansamantala akong naging kapampangan tutor sa bading na si Froi..infairness fast learner siya..( ANO BA TARA NA!!!GUTOM NA AKO!)
sinalubong na namin sina mean at aivy..a finally aalis na...
antay ng bus na pang baguio...
konduktor sa bus na pang MANILA...
"saan kayo?"
sabay sabay with matching galit sa boses: BAGUIO!!!!
OK..ASAN NA ANG MGA NALINTIKAN NA BUS...
ayan na meron na...
BAGUIO!!! yehey...
sabay sakay na ang lahat...
MGA EKSENA SA BUS...
lahat ahy umupo sa pinaka likod na bahagi ng bus..sakto 5 ang upuan,,5 kami,,swak!
Manong konduktor na naningil ng pasahe:
"san kayo?"
sa isip ko..
"nasa baguio na ba tayo?natural asa bus manong..jusko!aha"
"Xevera, manong walang discount ang estudyante?"
Manong:
"yung ID nalang pakita"
Hayup..hindi nakalusot...sayang ang discount..whaha..tutal hindi kami nakalusot sa bayad..bago kami magbayad eh...
"kuya papicture naman kami"
(CLICK)
"kuya isa pa" (sabay pose)
At saka palang kami nagbayad na tila may sakit ng loob dahil hindi nakadiscount...aha
kwentuhan, tawanan,ang matitinding panlalait ni aivy joy at ang tangkang pagligaw sa amin ng halimaw na si jam at isama pa ang pag alok sa amin ng kung ano anong kutkutin sa bus,chicharon,mani,pugo at pati dyaryo na tila tiktik pa ata ang titulo..aha
Sa wakas..XEVERA na..kay tagal na paghihintay at nakarating din kami...
Rye: shet!!may carnival!!
Tila isang paslit na napagbigyan ng isang munting kahilingan!!!huwaw!!!
OK 6pm palang magbubukas...larga na...excited na pumunta sa bahay nila jam..aba may service!5 piso ang bayad!!pwede narin..
Jam: Maribel street kuya..
Naks..Maribel street..umandar na ang sasakyan, lumiko, kumanan, umikot..ahy bat ganun!!kay layo!!! gutom na ako...huminto ang sasakyan..PAK! sa wakas..bahay na nila jam..
Pagbukas ni Jam sa bahay (infairness pinagdudahan namin siya dahil tila hindi niya alam kung paano buksan ang pintuan nila!) kami'y namangha sabay sabi ng iba:
"jam ang cute naman!"
Umakyat kami sa taas,nilibot ang bahay kahit walang pahintulot..at biglang sabi ni mean:
"parang dollhouse"
hindi na namin pinatagal ang mga sumunod na eksena..ramdam na ramdam na namin ang mga kalam ng sikmura namin..lalo na ang mga anaconda sa tiyan ni mean..hinanda na ang pagkain..inilagay sa plato,inayos..
OK..ang kanin..hindi pa luto..magsaing muna..walang rice cooker..mano manong saing ito..kelangan tama ang tubig at lakas ng apoy..feeling expert ang lola mo :)
Habang nagaantay sa kanin..picture dito, picture don..lahat na yata ng anggulo ng bahay nkuhanan..
TIME CHECK: pasado alas dos!icheck ang kanin!!
Huwaawww!!!ang kanin parang lugaw!!!
Hindi ko pinahalatang nagpanic ako..pero sobra talaga sa tubig..anong ngyari?!tama yun sigurado ako..
biglang sabi ni jen:
"hindi pala matakaw sa tubig yung kanin"
Grabe jen..on time talaga magsabi.. akalin niyong sinabi niya iyon sa panahong tapos na ang lahat..henyo!iclap clap!! :)
Hinalo ang kanin..Yes may improvement!konti nalang pwede na..pero gutom na talaga at desperada na...
*TING!! umandar ang pagkahenyo ko!sinandok ko ang kanin, nilagay sa plato sabay sabi kay mean...
"bok itapat mo sa electric fan para matuyo"
|
nagawa pa talagang magpose habang pinapatuyo ang kanin! |
Sa wakas..makakakain na kami....
|
SA WAKAS..NAKALAMON NARIN KAMI...SARRRAAAPP!! |
According to jen magdadala daw ng sweets si bianx!huwaww!!nakakaexcite naman...ngunit, subalit, datapwat...nakuha na naming matapos kumain..ni anino ni BIANX ay walang dumating...tanging text message lang na nagsasabing hindi siya makakarating dahil may meeting sila.PANALO!!!palong palo teh!!! lima lang talaga kami!!LIMA!!!
Pagkatapos kumain at pagkatapos alilain si Mean sa paghuhugas ng plato...eto na...
Nagreretouch na ang lahat..pulbos dito, pulbos doon,,eyeshadow ni mean,eyeliner..san ang lakad mga teh?!
|
TAMA!dun nga..sa mataas,malayo at matayog na Groto ng Lourdes sa Bamban, Tarlac |
AAKYAT kami ng groto..OO!tama..aakyat..aakyat habang ako ay nakapalda..tama yun...napaka brilliant idea talaga..akalain niyong akmang akma ang suot ko sa pag akyat ng groto?!at talagang napadpad kami ng Tarlac,para lang makaakyat ng groto..Sabagay,hindi nga naman lakad ng grupo yun kung walang novena,dasal o pagtirik ng kandila..WAG na kayong magtaka..ganun talaga :)
|
RIGHT AFTER SAYING A PRAYER |
|
ANG PAGBABA
(TODO NERBYOS SA TAKOT NA MAHULOG) |
Right after going to the groto, we decided to go back at Xevera..ramdam na ramdam namin ang pangangatog ng paa sa pag akyat at pagbaba sa Groto, pero for walang pagsisi :)
Bago makabalik sa Xevera, namili muna ang mga bata..ICECREAM,CHIPS..pagkain nanaman..dahil according to jen ay MERYENDA TIME na!Pero bago makabalik sa mismong bahay...ang daming stop overs!!bawat daanan na yata namin eh pumopose kami...
Picture dito, picture don..akala na yata ng mga tao eh talagang turista kami na nabana sa Xevera! excuse me lang ah..masaya lang talaga magpicturan! :)
|
1. Hindi ko talaga gets kung ano ang simbolo na ito..pero isa lang alam ko,maganda siyang background sa litrato!
|
|
2. Ang simbahan ng Xevera. |
|
3. Ang school na kung maka orange eh parang hindi na kukulayan ng orange ulit! |
|
4. Ewan,basta ang alam ko dinaanan namin yan. |
|
5.Pero siyempre ito ang pinaka the best sa lahat,ang bahay ni Jameelah! :) |
Pagkatapos ng mahabang lakaran at matinding picturan,nakarating din ulit sa bahay nila jam..KAINAN NA ULIT!!!at ang pinaka surprising sa lahat!! EXCHANGE GIFTS NA!!!
Habang kumakain,nagbunutan narin kung kanino ibibigay ang gift..
Ang saya ko dahil mukhang matutupad ang pangarap ko na si MEAN ang mabubunot ko..wahaha..pero sa bawat pagbunot ay laging may salot!!isang beses,dalawa,tatlo!!!parang di na yata matatapos!!
"oh ok na siguro noh?"
Sa wakas OK na nga...at nagbigayan na ng regalo...
|
Excited sa gifts eh halos alam naman kung ano makukuha!at infairness sa amin ni JEN, ni hindi namin ibinalot man lang o tinanggal ang presyo ng regalo!!whaha
|
|
OK winner ako dito!!may little cap pa ako! ;) |
|
JAM'S presents for everyone!!She also got the best in wrapper for her effort sa pagbalot! :) |
Busog na lahat..may regalo na rin lahat...FINALE na!!! it's swimming time!!!
Nagbihis na ang lahat!
Hanep..si Aivy..umaga palang suot na ang swimwear..Ready to dive na teh?!
Ayos..all set na!nakabihis na ang lahat..dala na ang mga tuwalya!!
rye: "jam yung mga pass?"
jam: "eto na.."
OK..lakad na papuntang pool..exciting...TEKA..mukhang naliligaw yata kami...may fellowship na nagaganap...(laughtrip)
Doon pala sa may side ang daan..sorry naman tao lang..
Pagdating sa may pool area..
(sabay bigay ni jam ng pass kay manong guard)
manong guard nagbilang..1,2,3,4,5...five..anim ang pass..ok sobra..so what..(lahat excited ng magswimming,sabay nakatingin na sa swimming pool)
Biglang..
"mam, hindi po pwede ang cotton"
Nagtitigan, nagkunutan ang noo..nagtataka.. ANO DAW?!
"kuya anong cotton?"
"mam,yung suot niyo po..hindi pwede kasi po cotton"
"ano kuya?bakit bawal?!anong pwede?"
"mam dapat po yung madulas, silk, jersey..ganun po mam"
"huh?kuya sandali lang kami!(sabay nagmamakaawa effect)"
"mam pasensya na po trabaho lang,hindi po talaga pwede"
"kuya sige na, hindi naman to cotton eh"
biglang tinawag ang lifeguard kuno na mukhang mamamatay tao para icheck kuno ang tela ng suot..(ano sila
MGA TELA EXPERT para alam ang cotton sa hindi?!)
"hindi talaga pwede yan mam,cotton yan,tignan mo may himulmol"
"kuya sige na,sandali lang"
MEAN : naglalakad sabay padyak ng paa habang sinasabing...
"gusto kong magswimming!!!!!!" (sabay nakasimangot ang mukha,habang ang iba ay gulong gulo sa pag iisip kung saan hahanap jersey o silk)
Ako?!wala easy lang ako..this time..
IT'S MY TIME TO SHINE!!! tama ang outfit ko teh!! bwahaha
(oops,ang problema lang cotton ang t-shirt ko)
Ang ibig sabihin,hindi kami pwedeng magswimming dahil wrong outfit! Ibig sabihin, purnada ang swimming..
But wait there's more!!!!..NEVER SAY DIE ANG DRAMA NG BARKADA!!
Tama!hindi sumuko ang mga friends ko..malakas ang fighting spirit!!may solusyon sila!!
IT's TIANGGE TIME BABY!!! (akalain niyong sa hangarin nilang makapagswimming eh talagang pumunta pa ng tiangge para humanap ng jersey o silk)
UMUWI muna kami para kumuha ng pera,sabay halukay ng iba sa gamit para makakita ng konting pag asa na baka may nadala silang silk!aha..Ngunit wala,,pero may mga desperada talaga..tulad ni MEAN at JAM na talagang handang MAGLEGGINGS sa ngalan ng swimming!!hanep!! (ako,walang ginawa kung hindi tumawa dahil hindi ko maimagne na nka leggings ang barkada ko sa pool na parang mag gygym lang..whaha)
Ang lakbay patungong tiangge..
Natural lang na may dala kaming twalya dahil una sa lahat pagkatapos namin sa tiangge ay deretso pool na kami..energy saving nga naman..
NGUNIT!! hindi kami nakaligtas sa mata ng mapanghusgang publiko...
habang naglalakad...
"magdala la pamong tuwalya!"
sabay hagalpak ang mga pangit at sinabi ng pasigaw ang...
"hindi diyan ang pool" (sabay tawa ulit)
Sa isip ko lang: Mga pangit kayo,alam namin na hindi dun ang pool... tiangge yung pupuntahan namin!!tiangge!!!bobo...(mahirap sabihin ito,dahil una salahat,marami sila,at higit sa lahat mukha talagang naligaw kami dahil sa twalyang bitbit namin!)
pagdating sa tiangge..nakakita agad ng jersey! (swerte nga naman)
"magkano po tong jersey" (hawak sa tela)
"300 po"
"magjersey kang mag isa mo!!!" (sabay bitaw sa jersey na muntik maibalibag sa mukha ng nagtitinda!ahahaha)
Hanap dito,hanap doon..sakit na ng paa ko...sa wakas..natapos din..
Sabay nagmamadali na pumunta sa restroom para magbihis..OK na ..for sure makakapagswimming narin kami!!!
bigay uli ng pass kay manong guard..
"ayan kuya ha,bumili pa kami"
"naku mam hindi pa rin po pwede"
"bakit?!silk na to ah!!!!"
"hindi mam cotton yan,yung tatlo pwede na..(ako,jen and aivy)
Jam:" kuya hindi to cotton,silk toh,tignan mo man".
(sabay lapit ng mukhang kriminal na lifesaver kuno)
" cotton yan mam,may glitters lang!"
naloko na..hindi lusot si jam... at isa pa tong si mean na hindi na maipinta ang mukha sa pagkadismaya na hindi talaga siya makakapagswimming!!! nakakalungkot talaga pero sobrang nakakatawa yung itsura niya...
Jam: "sige na, kayo nalang,ako hindi na..."
Mean: "ako hindi, gusto ko magswimming!!!!!!!!!!" (may kasamang kunot sa noo at pagdabog!)
At ganoon na nga ang nangyari..hindi nakapagswimming ang dalawa..dahil ang suot nila ahy hindi pwede,,sayang naman ang binili nilang cycling shorts..nagastos na nga..hindi parin umubra...(evil laugh!)
Swim galore naman kami nila jen at aivy...walang tao sa pool..kami kami nalang..cotton nga pala ang pampatong namin..kaya pagdive sa pool sabay tanggal ang shirt..ang lamig!!ni minsan hindi ako nagswimming ng walang patong na shirt!!di bale sana kung nasa bora pero haler!!! XEVERA lang yun teh!!!XEVERA!!
Floating...sisid...langoy...sarap inggitin ni mean at jam...nasa may gilid lang sila..pero siyempre dahil mahal namin sila,winisikan namin sila para naman maramdaman nila na kahait papano nabasa sila! ahaha
Mean: sa susunod na pumunta ako dito,maggogown ako!!silk yun di ba?!"
"OO nga bok,tama yun,dapat pagpasok mo palang sa Xevera nakasilk kana!"
|
FIRST ATTEMPT para makapagswim!FAILED! |
|
ANG PAGBALIK SA BAHAY PARA KUMUHA NG PERA PAGTIANGGE |
|
KAWAWA NAMAN SILA..NASA GILID LANG! :) |
|
ANG MGA PINAGPALA!! |
|
OBSERVE PROPER SWIMMING ATTIRE!!! |
Hindi rin nagtagal umahon na kami..picture picture...GABI NA..ahon na..balik na sa bahay..
Pagbalik sa bahay..as usual kumain muna ang mga matatakaw..habang ako ay iniinda ko na ang sakit ng katawan...dala narin siguro ng pagod at mali mali na ang mga nasasabi namin..tulad nalang ni Aivy na bumanat ng:
Aivy: " inaantok ang mata ko"
Rye: "natural, ala nga namang antukin yang ilong mo"
laughtrip talaga.. pero ang pinaka laughtrip sa lahat ay ng biglang makakita si Mean ng damit sa kanyang bag...tinignan,hinaplos,ininspeksyon...sabay tanong sa amin...
"SILK BA TOH???!!!"
OO bok..walang duda,madulas,makinis at makinang..SILK NGA YAN!!!bwahahaha...
Akalain mong kung nakita sana niya yun ng mas maaga ahy malamang nakapagswimming siya at hindi na niya kelanagan makipag away kay manong guard...ahaha
After ng lahat ng tawanan at kulitan..kelangan ng umuwi..haaay.grabeeeng araw..kapagod at kaloka...
One memorable day with my nastys + jm, a day that was full of laughters and more laughters..We may not be together as often as we want to, we have different works (housework included) and sometimes our schedules won't even permit us to be together..but for one day (though we're not complete) I felt so good to be with them again..The kulitans, the tawanans and the punch lines..I will never trade for anything..They will always be my friends,more than that, i believe that we treat each other like sisters..
WE may not be the typical barkada who would go out at night,the type who would dress to impress,who would drink till we drop,who would party all night..it's NOT us..(not that I have anything against those types) it's just that we're different..YES we spend time going to NOVENAS, GOING TO CHURCHES,GOING TO GROTOS and EVEN GOING TO CONVENTS..(we're not super religious ok?)others might have a hard time to believe it,but YES! it's true..and we're proud of it..I'm not saying that we're the super goody goody type..we also have our own shares of pagmamaldita, panlalait,panunumpa(na suuper effective lalo na pag galing sa yours truly!) at pangaaway...but most of the time they're done in the right place and time..
Some may not understand us,some people might even question how we came up to be together..different persona,different ways of thinking..oh well, i just have to say that THIS IS US..and no matter what happens..we will never change the way we are...
i simply love you guys!
-rye <3